MANILA, Philippines - Aabot sa kalahating milyong halaga ng marijuana ang winasak ng pinagsanib na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa matagumpay na paglilinis sa apat na marijuana cultivation sites na nakatayo sa kabundukan ng Benguet mula December 24 hanggang 25, 2012, ng kapaskuhan.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang dalawang araw na marijuana eradication operation ay ginawa ng mga elemento ng PDEA-Cordillera Administrative Region sa pakikipag-ugnayan sa Benguet at Kibungan Police, sa Sitio Belles, Barangay Palina, Kibungan, Benguet.
May kabuuang 3,000 piraso ng fully-grown marijuana plants at 500 piraso ng marijuana seedlings mula sa iba’t ibang plantation sites na may kabuuang land area na 500 square meters ang nabunutan ng naturang tanim at sinunog.
Mula January hanggang November 2012, may kabuuang 148 marijuana cultivation sites na karamihan ay matatagpuan sa mga boundaries ng Ilocos Sur, La Union at Benguet ang nabuwag.