3 nagpuslit ng agri products kinasuhan

MANILA, Philippines - Pormal nang  sinampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ)  ni Bureau of Customs (Boc) Commissioner Ruffy Biazon ang mga consignee ng tatlong kumpanya matapos na mag-smuggled ang mga ito ng agricultural products na nagkakahalaga ng P12.5 milyon sa Manila International Container Port (MCIP) sa Maynila. 

Ipinakita sa media ni Biazon ang mga dokumento hinggil sa kasong anti-smuggling na isinampa nito laban sa mga consignees ng Rorumen Agricultural Products, Karyawan at Marbatan Enterprises.

Itinuturing silang mga smuggler dahil ipinuslit nila ang mga imported na patatas at carrots na nagmula sa China na unang idineklara na mga gamit sa kusina.

Nang inspeksiyunin­ ng mga taga BoC­ ay na­diskubre na mga agricultural products pala.

Mariing binalaan ni Biazon ang mga smuggler sa BoC na tigilan na nila ang naturang illegal na gawain dahil hindi niya sasantuhin ang mga ito.

Show comments