Nagawa ni PNoy ngayon taon, pamasko sa mga Pinoy - Lacierda

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ng Malacañang ang mga nagawa ni Pangulong Benigno Aquino sa nakalipas na taon bilang regalo nitong pamasko sa sambayanang Filipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kabilang sa mga ipinagmamalaking nagawa ng Aquino government sa nakalipas na taon ang pagsusulong ng judicial reform kasama ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona Jr. sa pamamagitan ng impeachment.

Aniya, naririyan din ang makasaysayang Bangsa­moro Framework agreement na nilagdaan ng government panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang Sin Tax Reform Act, Responsible Parenthood Act, AFP Modernization Act, Anti-Enforced Disappearance Act.

“We have tackled important legislations in a number of sectors. From the administrative level, from the Executive branch, we also have passed the Air Passenger Bill of Rights para sa mga gumagamit ng ating mga eroplano. And then we have our investments on the people. For instance, sa CCT dumami po ang ating mga beneficiary. Dadami pa rin po ‘yan next year,” giit pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Aniya, sa health ay nagkaroon ng rotavirus (vaccination) and Z benefit package na kung saan sa taong ito 700,000 infants sa mga families listed in our national household targeting system would be vaccinated. So malaking bagay po ‘yan. ‘Yung coverage po ng PhilHealth, dumami po ang ating coverage ng PhilHealth. 85 percent of Filipinos are now enrolled in PhilHealth and this includes the poorest quintile of the population.

Maging ang K-to-12 program ng DepEd ay patuloy na umuusad ay iba pang programang tiyak na pakikinabangan ng mamamayan.

Aniya, “yung GDP growth ay nag-improve ang inflation rate ay bumaba, ang government spending ay tumaas, ang credit ratings ay na-upgrade, maging ang Philippine Stock Exchange,” paliwanag pa ni Sec. Lacierda.

 

Show comments