MANILA, Philippines - Matinding pananampalataya ang diwa ng Pasko ngayon.
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hindi dapat ihiwalay ang pagpapanibago at pagpapatibay ng pananampalataya dahil ang Kapaskuhan ay isang pagdiriwang na nag-ugat sa pananampalataya.
Sabi ni Cardinal Tagle, ang pananampalataya ang magbubunsod para ang mga tao ay makipagkaisa sa kaniyang kapwa na siyang diwa ng Kapaskuhan.
Aniya, maalala sana ng bawat Kristiyano ang tunay na regalo ng pananampalataya ngayong Pasko na walang iba kundi ang Panginoong Hesukristo.
“As we behold the Christ Child, humble and poor, let us thank God for his great love for us and let us respond with all the love we could give. Only pure divine love can save us! I wish all you and your loved ones a Blessed Christmas and a Peaceful New Year!”