‘End of the world’ wake-up call
MANILA, Philippines - Dapat na magsilbing wake up call sa mga tao ang mga prediksyon o hula tungkol sa pagkagunaw ng mundo.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Secretary General Monsignor Joselito Asis, tanging ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung kailan eksaktong magaganap ang paghuhukom kaya dapat tayo ay palaging handa.
Naniniwala naman si Asis na ang pagtatapos ng mundo ay maaaring maganap sa ilan sa pamamagitan ng kamatayan at hindi sa pamamagitan ng doomsday gaya ng inilalarawan sa mga nobela at pelikula.
Kung haharap man aniya ang tao sa Maylikha, hindi ito dapat na matakot lalo’t kung naging matuwid na tao.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Asis ang mga debotong Katoliko na sumailalim sa sakramento ng pangungumpisal at pagsisihan ang kanilang nagawang kasalanan bilang isa sa mga paraan ng paghahanda hindi lamang sa Araw ng Paghuhukom, kundi sa ikalawang pagdating ni Kristo.
- Latest