^

Bansa

Industriya ng tobacco nagluksa sa Sin Tax Law

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagluluksa ang mga magsasaka ng tobacco sa ginawang paglagda ni Pangulong Aquino sa Sin Tax Law na hudyat na umano ng pagkamatay ng kanilang industriya.

Ayon kay Saturnino Distor, president ng Philtobacco Growers Association (PTGA), nakikita na nila ang pagpanaw ng industriya ng tobacco sa bansa na nagbigay sa kanila ng hanapbuhay sa loob ng mara­ ming dekada

“Kami ay nagluluksa dahil ito na ang simula ng pagpanaw ng industriya ng tabako sa ating bansa,” ani Distor.

Ayon kay Distor ma­­kakaranas ng “double whammy” ang mga magsasaka ng tobacco sa excise tax law na magpapataw ng mas mataas na buwis sa mga lokal na brands ng sigarilyo.

Muling iginiit ni Distor na mas napapaboran sa excise tax law ang mga imported brands dahil sa tax reductions saman­talang aabot naman sa 1,000 porsiyento ang ipa­pataw sa mga lokal na sigarilyo.

Una ng sinabi ni Distor na posibleng mawala na sa merkado ang mga mumurahing brand ng si­garilyo dahil sobrang tataas ang presyo nito sa bagong sin tax law.

Tinanggal din umano ng Kongreso ang probis­yon na magbibigay ng tulong sa mga magsa­ saka ng tobacco na ma­wawalan ng trabaho.

“They did not listen to any of our appeals. Our only weapon left is through the ballot,” ani Distor.

 

AYON

DISTOR

KONGRESO

NAGLULUKSA

PANGULONG AQUINO

PHILTOBACCO GROWERS ASSOCIATION

SATURNINO DISTOR

SHY

SIN TAX LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with