^

Bansa

RH bill haharangin ng mga Obispo sa SC

Gemma Garcia at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapasaklolo na sa Korte Suprema ang mga obispo upang maharang ang House Bill 4244 o ang Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay Antipolo Bishop Gabriel Reyes, kukuwestiyunin nila ang constitutionality ng pagkakapasa ng nasabing panukalang batas.

Kahit na napagtibay na umano ito sa third reading ng Kongreso ay marami pa silang magagawa para kontrahin ito kahit pa maging ganap na batas.

Sinabi ni Bishop Reyes na nagpupulong na ang ilang abogadong Katoliko kaugnay sa plano nilang pagdulog sa SC upang kuwestiyunin ang legalidad ng RH bill sakaling maging ganap ng batas.

Ang kontrobersiyal na panukala ay umani ng botong 133-79 sa Kamara habang 13-8 sa Senado.

Maaari aniya nilang pagbatayan sa paghahain ng petition sa SC ay ang pagiging kontra ng panukala sa religious freedom.

Gayunpaman, sinabi ng Obispo na kaunti lang ang pag-asa na kanilang nakikita sa pagpabor ng SC sa mga anti-RH bill advocate dahil na rin sa pagiging magkaalyado nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Pangulong Aquino.

Ipinagkibit balikat naman ng liderato ng Kamara ang umano’y plano ng mga Obispo na magpasaklolo sa Korte.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., welcome sa kanila kung ano man ang magi­ging hakbang ng Simbahang Katoliko dahil kung sila rin umano ang nasa ganoong sitwasyon ay ganyan din ang kanilang gagawin.

Sa palagay naman ni Belmonte ay hindi magreresulta sa pagkakawatak-watak ng mga Filipino kung ganito ang magiging hakbang ng mga Obispo dahil sigurado naman umano na makakalimutan na ng sambayan ang isyu sa tagal ng desisyon na ipapalabas ng Korte.

Sa bandang huli ay handa pa rin umano sila na makipag-usap sa mga obispo kapag lumamig na ang isyu subalit hindi sila makikipag-usap para huwag magsampa ng kaso.

Nagpasalamat naman si Pangulong Aquino sa mga kongresista at senador sa pagtugon sa sinertipikahan niyang urgent ang RH bill na 14 na taon nang pinagdedebatihan sa Kongreso.

Anumang araw nga­yon ay sisimulan na ang bicameral conference para sa final approval ng dalawang chamber upang kaagad na malagdaan ng Pangulo ang HB 4244. (May ulat ni Rudy Andal)

ANTIPOLO BISHOP GABRIEL REYES

AYON

BISHOP REYES

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

HOUSE BILL

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

KAMARA

KONGRESO

KORTE

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with