Mensahero minarder sa ladies comfort room

MANILA, Philippines - Isang stay-in messenger ang nakahandusay at natagpuang naliligo sa sariling dugo, sa loob ng pambabaeng comfort room sa Asian Psychological Services Assesment Incorporated (APSAT) sa Malate, Maynila.

Kinilala  ang biktimang si Andres Espanola, 27, binata, stay-in sa APSAT building sa Bautista  corner Zobel St., sa Malate.

Sa ulat ni PO2 Ri­chard Limuco, dakong alas-7:19 ng umaga kahapon nang madis­kubreng patay ang biktima ng isa sa kasamahang si Eduardo Cruz, 50.

Ayon pa sa isang Jose Nayles, 53, kasamahan ng biktima, nitong Disyembre 16 ay nakita pa niya itong buhay. 

Pinag-aaralan pa ng awtoridad kung ano ang tunay na motibo dahil lumitaw na nawawala ang Samsung cellphone ng biktima.

Isang taon pa lamang umanong namamasukan ang biktima sa nasabing kompan­ya.

Show comments