^

Bansa

BRO program sa Agrikultura patuloy ang tagumpay sa Isabela

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na patuloy na umaani ng tagumpay ang inilunsad nilang programang BRO sa Agrikultura na isang hakbang para lalong magsipag ang kanilang magsasaka na isang pakinabang hindi lang sa kanilang probinsiya kundi ma­ging sa buong bansa.

Ayon kay Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III, mahigit sa isandaang libo ang nakikinabang sa BRO Agriculture program at ito ay ang mga magsasaka na dumaranas ng ibayong hirap sa tindi ng init ng araw, perwisyong dulot ng ulan, pagbaha at mababang presyo ng mga aning pananim.

“We are the first and only province in the Philippines na nagpatupad ng pinakamarami at pinakamalawak na mga benepisyo sa agrikultura para sa small farmers at farmworkers,” ayon kay Dy.

Sa ilalim ng BRO Agriculture program, naglaan ang lalawigan ng 200 milyong piso na pondo para makumpleto ang siyam na pakete ng benepisyo na kailangang-kailangan ng mga magsasaka.

Ayon kay Dy, naikot na nila ni Vice Governor Rodito Albano ang lahat ng munisipalidad sa Isabela at ang ginawa nilang pagbisita ang nagmulat sa kanila para bigyan ng malaking suporta ang mga magsasaka.

Ang BRO Agriculture program ay kinapapalooban ng Livelihood assistance for marginalized farmers, ayuda sa presyo, pantawid pamasahe program, paneguro sa pananim or crop insurance, college scholarship for sons and daughters of small farmers, provincial healthcare coverage, philhealth benefits, life insurance at social security coverage.

Ang probinsiya ng Isabela ang numero uno sa rice and corn production kung saan nagkamit sila ng karangalan bilang Regional Gawad Saka Award.

AGRIKULTURA

AYON

BOJIE

GOVERNOR FAUSTINO

IPINAGMALAKI

ISABELA

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

REGIONAL GAWAD SAKA AWARD

VICE GOVERNOR RODITO ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with