Rice smuggling, reresolbahin

MANILA, Philippines - NAIS ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na maresolbahan ang rice smuggling sa bansa at maparusahan kung sino man ang mga nasa likod nito.

Muling nagtungo kahapon si Comm. Rosano “Ruffy” Biazon sa Senado upang pangunahan nito ang pagdalo  sa patuloy na  pagdinig sa rice smuggling sa  Subic Freeport Zone.

Nabatid na sa pagpapatuloy ng hearing ay sumalang  ang ibat-ibang negosyante ng bigas.

Matatandaang nasa­bat ng mga tauhan ni Bia­zon ang tangkang pagpuslit sa bansa ng mga bigas mula sa mga bansang India at Vietnam na aabot sa halagang kalahating bilyon piso, sa pamamagitan nang pagpasok nito  sa Subic Freeport Zone.

Show comments