^

Bansa

Manhunt sa Mindanao… 15 JI terrorist tinutugis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 15 miyembro uma­no ng mga pinaghihinalaang Jemaah Islamiyah (JI) terrorist ang tinutugis ngayon ng mga tauhan ng intelligence ope­ratives ng Armed Forces of the Philippines makaraang maispatan sa rehiyon ng Mindanao.

Ito ang isiniwalat ni Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief Brig Gen. Eduardo Año.

Ang nasabing mga JI terrorist ay kinabibilangan umano ng mga Malaysian at Indonesian na nagkakanlong sa mga balwarteng teritor­yo ng Abu Sayyaf sa Sulu habang ang iba pa ay nasa pagitan lamang ng hangganan ng Maguindanao, Lanao at Cotabato.

Sinabi ni Año, na apat sa mga JI terrorist ay kasama ng grupo nina Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron at Abu Jumdail alyas Doc Abu Pula na may hawak na mga dayuhang hostages sa Sulu.

Samantalang ang iba pa ay nagpapalipatlipat lamang  umano sa hangganan ng Lanao at Maguindanao gayundin sa Cotabato.

Sa katunayan, ayon sa opisyal ang hinihinalang JI terrorist na si Mohd Noor Fikrie Bin Abd Kahar na napatay sa Davao City noong nakalipas na Biyernes ng gabi ay nanggaling sa Cotabato na plano umanong maghasik ng sindak at magpasabog ng bomba sa lugar pero nasilat lamang.

Nabatid naman kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Caesar Ronnie Ordoyo na ang mga namonitor na JI terro­rist sa Central Mindanao ay nagsasanay sa bomb making at marmanship training sa mga lawless groups sa lugar.

Samantalang patuloy ang monitoring ng security forces at intelligence ope­ratives ng pamahalaan laban sa galaw ng mga JI terrorist upang masupil ang posibleng paghahasik ng mga ito ng terorismo lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan.

ABU JUMDAIL

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER RADULAN SAHIRON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAESAR RONNIE ORDOYO

CENTRAL MINDANAO

CHIEF BRIG GEN

COMMANDER MAJOR GEN

COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with