Taguig Police umiskor kontra droga
MANILA, Philippines - Naglabas ng report ang Southern Police District (SPD) na nagpapahiwatig sa naging mahusay na performance ng Taguig Police sa kampanya nito kontra droga na kumokontra naman sa alegasyong lumubha ang problema sa droga sa lungsod.
Batay sa monthly accomplishment report on Anti-Illegal Drugs Campaign ng Southern Police District na binubuo ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Pateros at maging ng Southern Police District District Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (DAID-SOTG) nakasaad na pangalawa ang Taguig Police sa dami ng shabu na napigilang kumalat sa lansangan.
Sa report mula sa DAID-SOTG secretary at nakasaad na mula January 1 hanggang November 12 ng taong kasalukuyan ay naitala ng Taguig Police ang tinatayang P1.9 milyon ng kumpiskadong shabu. May katumbas itong 160.55 grams na pangalawa sa Las Piñas Police na nakakumpiska ng 424.70 grams ng shabu at may katumbas na mahigit sa P5 milyon.
Una rito ay binatikos ang Taguig Police at maging ang Pamahalaang Lungsod sa pagsasabing lumubha ngayon ang problema sa droga dito.
Isa sa malaking tagumpay ng Taguig Police sa taong ito ay ang pagkakaaresto kay Elisa Tinga na prominenteng miyembro ng notoryus na Tinga Drug Syndicate at 3rd most wanted drug dealer sa Taguig.
Ang pagkakadakip kay Elisa Tinga ang pinaniniwalaan ni Taguig Police Chief Senior Superintendent Tomas Apolinario Jr. na siyang nasa likod ng inilunsad na black propaganda kaugnay sa usapin ng pagresiklo ng kumpiskadong droga noong 2011.
Ayon naman kay PDEA chief Arturo Cacdac, nababahala siya na baka samantalahin ng mga sindikato ng droga ang pagsasangkot sa Anti-Drug unit ng Taguig Police sa usapin ng pagresiklo ng kumpiskadong droga kaya ipinag-utos na niya na palakasin ang drug monitoring sa lungsod para makasiguro na magtutuluy-tuloy ang kampanya kontra bawal na gamot.
- Latest