Salary loan sa SSS itinaas sa P30K
MANILA, Philippines - Mula sa dating P24,000 na maximum loanable amount na maaaring mautang ng mga miyembro ng Social Security System (SSS), itinaas na ng ahensiya ngayon sa P30,000 ang salary loan na maaaring mautang ng mga miyembro nationwide.
Niliwanag ni SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr., na bagama’t itinaas ang loanable amount na maaaring utangin ng mga miyembro, mananatili naman ang mababang interest payment sa pautang.
Bukod dito, aasahan din anya ang mataas na net loan proceeds at ang mas mabilis na loan renewals ng SSS.
Sa ilalim ng bagong salary loan guidelines, maaaring mag-file ng renewal ng utang ang mga miyembro kung bayad na ang 50 percent ng principal amount sa loob ng isang taon ng kanilang two-year loan term.
- Latest