MANILA, Philippines - Hindi pabor ang Department of Health (DOH) sa mass burial matapos ang napakaraming biktima ni “Pablo”.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee-Suy, chief ng Emerging and Re-emerging Diseases, sa oras na mamatay ang isang tao ay hindi naman na lilipat ang mga mikrobyo nito sa katawan. Una ng binigyang diin ng DoH na hindi pa maituturing na isang banta sa kalusugan sakaling hindi agad mailibing ang mga bangkay sa Compostela Valley at Davao Oriental.
Inihayag ni Suy na mas mabuti pa ring mabigyan ng maayos na libing ang mga ito ngunit kung ito na aniya ang opsyon ng gobyerno ay wala naman silang magagawa.
Una ng napaulat na binigyan na umano ng taning ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kaanak ng mga biktima ng flashflood sa Compostela Valley at Davao Oriental para kilalanin ang mga bangkay dahil magsasagawa na sila ng mass grave.