Batasan sinugod ng militante

MANILA, Philippines - Sumugod kahapon ang mahigit 5,000 militanteng manggagawa at manininda sa Batasan Pambansa upang igiit ang pagbasura sa Sin Tax Bill na sumalang na sa bicameral conference committee.

Alas-10 ng umaga nang magtipon sa Sandiganbayan ang mga manggagawa na buhat pa sa iba’t ibang lungsod kasunod ang pagmartsa sa Batasan Pambansa kung saan isinagawa ang kanilang programa.          

Ayon kay Gie Relova, Secretary-General ng  Bukluran ng Manggagawang Pilipino, National Capital Region at Rizal Chapter (BMP-NCRR), “ang bica­ meral committee meeting ay nagpapakita lamang kung paano kinukurap ang ating sistemang pampulitika.” Tinutukoy ni Relova ang paggalaw ng mga mambabatas sa pagtataas o pagbababa ng bahagi sa buwis na tinarget ng gobyerno mula sa mga nasabing produkto.

Sa bersiyon ng Mababang Kapulungan, 85-15 kung saan mas malaking buwis ang ipapataw sa sigarilyo, samantalang para sa Senado, 60-40 naman at sa sigarilyo pa rin ang mas malaking pataw.

Alinman sa dalawa, ipapasa lang din nila sa mga konsyumer at mamamayan ang idaragdag na buwis ng gobyerno sa alak at sigarilyo, dagdag ni Relova.

 

Show comments