MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahapon ng mga magsasaka ng tobacco kung bakit sila ang pinaparusahan sa pamamagitan ng sin tax bill gayong nabibigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka ng tubo kabilang na ang mga “sugarcane hacienderos”.
Ayon kay Saturnino Distor, presidente ng PhilTobacco Growers Association (PTGA) mistulang sila ang pinaparusahan ng Malacañang sa pamamagitan ng mataas na tax sa sigarilyo samantalang pino-protektahan naman ang plantasyon ng mga haciendero ng sugarcane na isang ‘basic ingredients’ sa paggawa ng liquor at distilled spirits.
Pinuna pa ni Distor na ang indusrtriya ng tobacco ang palagi na lamang nakakatanggap ng mas mabigat na load sa panukalang excise tax bill na nakabinbin ngayon sa Kongreso.
Ayon pa sa grupo may mga nagtatangka pa rin na mas itaas ang ipapataw na buwis sa sigarilyo kumpara sa alcohol na posibleng patawan lamang umano ng 15 porsiyentong tax burden.
Idinagdag ni Distor na mismong ang Central Azucarera de Tarlac ay sumama umano sa anti-sin tax advocates dahil tutol sina sa pantay na hatian sa pamamagitan ng excise tax na tig-P30 bilyon sa industriya ng sigarilyo at P30 bilyon sa industriya ng sigarilyo.
Ngayong araw inaasahang tatalakayin ng bicameral conference ang sin tax bill.