Publiko, pinag-iingat sa hindi ligtas na pagkain
MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Food and Drugs Administration (FDA) ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa hindi ligtas na pagkain na maaaring makain ngayon nalalapit na ang Pasko.
Sa 2-pahinang advisory na nilagdaan ni FDA Acting Director IV Kenneth Hartigan Go, sinabi nito na dapat na tandaan ng consumer na kahit pa holiday rush ay dapat na maging maingat sa pagpili, pagbili, paghahanda, paghawak at pag-iimbak ng pagkain ang publiko.
Paliwanag ni Hartigan-Go, maaaring maging sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit kung marumi at hindi ligtas ang pagkaing kakainin.
Ilan aniya sa typical symptoms ng foodborne illnesses o sakit na nakukuha sa pagkain ay pagsusuka, pagtatae, at flu-like symptoms, na maaaring maranasan, ilang oras lamang o araw matapos na makakain ng hindi ligtas na pagkain.
- Latest