Salamat sa mga ‘bayani’ - Castaño

MANILA, Philippines - Nagpapasalamat si Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Chairman Angel L. Castaño Jr., sa mga itinuturing niyang ‘bayani’ na nag-alay ng dugo sa kanilang isinagawang blood letting program sa industriya ng karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite kamakailan.

Lubos din nagpapasalamat si Castaño sa lahat ng mga taga industriya na sama-samang tumugon sa naturang programa katuwang ang Philippine National Red Cross (PNRC).

Maging ang samahan ng mga Horse Owner, MARHO, KDJM, Philtobo at samahan ng mga hinete, ang NPJAI at mga trainer ay pinasasalamatan din ni Castaño.

Naniniwala naman si PHILRACOM Comm. Jess Cantos na maraming buhay ang kanilang madudugtungan sa pamamagitan ng mga dugong kanilang inialay.

Hinangaan din ni Cantos ang magkakaisa at sama-samang pagpapakuha ng dugo ng mga sota at helper para suportahan ang programa ng komisyon gayundin ang samahan ng Off Track Betting station sa Metro Manila, Manila Horse Power at ilang grupo ng bayang karerista.

 

Show comments