PWDs bibigyan ng libreng sakay sa LRT/ MRT sa Lunes

MANILA, Philippines - Bilang pakikiisa sa International Day Persons With Disabilities (PWDs) ay magkakaloob ng libreng sakay sa Lunes (Disyembre 3) ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (LRT).

Ayon kay LRT Authority (LRTA) spokesman Her­nando Cabrera, ang libreng sakay ay magsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Nabatid na ngayong taon ang tema ng International Day of PWDs ay “Removing barriers to create an inclusive and accessible society for all.’

Ayon sa United Nation, mahigit isang bilyong katao o 15 porsiyento ng populas­yon ng buong mundo ang may kapansanan.

Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran sa Parañaque City, habang ang LRT-2 naman ang nag-uugnay sa C.M. Recto sa Manila at Santolan sa Pasig City.

Ang MRT-3 naman ang nag-uugnay sa Taft Ave­nue, Pasay City at North Avenue, sa Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue.

 

Show comments