^

Bansa

China magdedeploy ng patrol ship sa WPS

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalabisan na umano ang planong pagdedeploy ng China ng patrol ship sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea (Western Phi­lippine Sea) na isang malinaw na paglabag sa ‘international passage’.

Sinabi ni AFP-Wes­tern Mindanao Command Chief Lt. Gen Juancho Sabban na ha­bang pa­tuloy na gu­magawa ng hakbang ang Pilipinas para sa mapayapang solus­yon sa sigalot sa Spratly Island ay patuloy ang kapangahasan ng China.

Ang pahayag ni Sabban ay bilang sagot sa anunsyo ng China na magdedeploy ito ng mga border police patrol sa South China Sea upang itaboy ang mga barko ng mga dayuhang napapagawi sa lugar.

Ito raw ay bilang tugon naman ng China sa pagkuwestiyon ng Pilipinas sa bagong passport ng nasabing bansa na may mapa ng South China Sea.

Bukod sa Spratly Islands ay inaangkin rin ng China ang Scarbo­rough Shoal na nasa 124 milya ng Masinloc, Zambales.

 

BUKOD

CHINA

GEN JUANCHO SABBAN

MINDANAO COMMAND CHIEF LT

PILIPINAS

SHY

SOUTH CHINA SEA

SPRATLY ISLAND

SPRATLY ISLANDS

WESTERN PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with