^

Bansa

‘Di pagtatak sa China passport magpapalala sa sigalot

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng magpalala pa umano sa sitwasyon ang hindi pagtatatak ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa visa ng mga Chinese nationals na nasa Pilipinas.

Ayon kay House Spea­ker Feliciano Belmonte, ang pagpoprotesta ng pa­­ mahalaan ay maaring magpa-init sa sitwasyon sa mga teritoryong pinag-aagawan ng Pilipinas at China.

Subalit nirerespeto na­­man umano nito ang gob­yerno kung ito ang paraan para maalis ang persepsyon ng China na sa kanila ang teritoryo ng bansa. Ngunit kung siya mis­mo ang tatanu­ngin, mas makabubuti kung ta­­tatakan ng DFA ang mga pasaporte ng mga Chinese nationals upang mayroong control ang pamahalaan habang nasa bansa ang mga ito.

Nagbabala ito na wa­lang habol ang Pilipinas kung may malabag man ang mga Chinese na­tionals habang nasa loob ng bansa dahil sa kawa­lan ng records ng mga ito.

Nauna nang nagpahayag  ang DFA na hindi nila tatatakan ang visa ng mga Chinese na­tionals na may nakalagay na mapa ng West Philippine Sea at iba pang teritoryo na inaangkin ng China.

 

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FELICIANO BELMONTE

HOUSE SPEA

NAGBABALA

NAUNA

PILIPINAS

SHY

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with