TVET graduates ng TESDA paborito ng mga employer
MANILA, Philippines - Paborito at sobra-sobrang satisfaction ng mga employers sa performance ng mga technical vocational grand training (TVET) graduates ng TESDA batay sa 2011 Employer Satisfaction Survey (ESS).
Nagpasalamat naman ang mga TVET graduates kay TESDA director-general Joel Villanueva dahil sa pagpupursige nitong mapaunlad ang mga programa ng TESDA.
Sa 2011 ESS survey sa mahigit 5,000 establishments ay lumitaw na 83.1 percent ay very satisfied sa mga TVET graduates na kanilang kinuha sa trabaho.
Nasa 86.9 percent naman ang nagsabi mula sa respondents na establishments na patuloy pa rin silang kukuha ng mga TVET graduates mula sa TESDA.
Nasa 5,451 public at private establishments ang nag-empleyo sa mga TVET graduates mula 2009 hanggang 2011 batay sa ESS.
“If the employers are happy, then our graduates from TVET must be really good,” wika pa ni TESDA director-general Villanueva.
Idinagdag pa ni Sec. Villanueva, ikinatuwa rin ang mga TVET trainers at TESDA personnel ang posibitong pananaw ng mga employers batay sa 2011 ESS at magsisilbi nila itong batayan upang lalo pa nilang pagbutihin ang pagkakaroon ng kalidad at relevant training sa mga estudyante.
- Latest