MANILA, Philippines - Ginawaran ni Pangulong Benigno Aquino III ng highest award sa Pilipinas na Quezon Service Cross si yumaong DILG Sec. Jesse Robredo dahil sa kabayanihan nito sa paglilingkod sa taumbayan.
Tinanggap ng biyuda ni Sec. Robredo na si Atty. Leni Robredo ang nasabing Quezon Service Cross medal sa isang seremonya sa Malacañang kahapon.
Si Robredo ang ikalimang tumanggap ng nasabing award kung saan ang mga naunang binigyan nito ay sina dating Pangulong Emilio Aguinaldo, dating Foreign Affairs Sec. Carlos Romulo, dating Pangulong Ramon Magsaysay Sr. at dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Nagpasalamat naman si Atty. Leni Robredo sa ibinigay na pagkilala sa kanyang yumaong kabiyak na nasawi matapos ang plane crash sa Masbate noong Agosto.