^

Bansa

Sa pagkakaaresto sa driver ng backhoe kaso ng Maguindanao masaker bibilis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na ang pagkakaaresto sa pangunahing suspek sa 2009 Maguindanao massacre ay magpapabilis ng kaso at hahantong sa pagkakaroon ng hustisya para sa may 58 biktima ng pagpatay.

Si Bong S. Andal, ang umano’y operator ng backhoe na ginamit sa paglibing sa mga biktima ng masaker sa Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao noong November 23, 2009 ay naaresto nitong Sabado sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Kapinpilan, Midsayap, Cotabato ng pinagsanib na operatiba mula sa Cotabato Police Provincial Office sa pamumuno ni S/Supt Roque Alcantara at Pikit Municipal Police Station at Midsayap Municipal Police Station.

Si Andal ay nasa ilalim ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon Jocelyn Solis-Reyes, Presiding Judge ng RTC Branch 221 ng Quezon City.

“The arrest of Andal, and other suspects now in custody manifests the firm resolve of the PNP to arrest and prosecute all suspects behind the mass murder,” sabi ng chief PNP.

Dahil dito, inatasan ni Bartolome ang mga PNP Units na magsagawa ng pagtugis laban sa natitira pang 92 suspek na patuloy na nakakalaya at nagtatago sa kamay ng batas.

 

vuukle comment

ANDAL

BARANGAY KAPINPILAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

COTABATO POLICE PROVINCIAL OFFICE

HON JOCELYN SOLIS-REYES

MAGUINDANAO

MIDSAYAP MUNICIPAL POLICE STATION

NATIONAL HIGHWAY

PIKIT MUNICIPAL POLICE STATION

PRESIDING JUDGE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with