MANILA, Philippines - Nagsama-sama ang mga kabataang volunteers at leaders sa paglulunsad ng isang samahan na makatutulong sa pagpapalawak ng kakayahan ng bawat Filipino at pagpapaunlad ng bansa.
Ang Youth of the Nation (YON), na kinaaaniban ng daan-daang kabataan ang bubuo sa inilunsad na Ako YON! movement noong Sabado sa Philippine Social Science Center on Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan layon nito na kilalanin ang mga naiambag ng mga kabataan para sa pagpapaunlad ng bansa malaki man ito o hindi.
Ayon kay Joseph Ginno Jaralve, Ako YON! secretary general, bukod sa kanya, ang pledge of commitment at ceremonial signing ay dinaluhan din nina San Juan Rep. JV Ejercito at Bar exam bombing survivor Raissa Laurel.
Nagpahayag ng suporta si Ejercito, na senatorial candidate ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Ako YON! dahil ang adbokasiya ng movement ay katulad din ng kanyang adbokasiya na unahin ang edukasyon at kabuhayan.
Nabatid na nagbigay si Ejercito ng full scholarship sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines-San Juan.
Ipinakita din ni Ejercito ang kanyang suporta sa kabataan nang manindigan ito na panatilihin ang Sangguniang Kabataan (SK) at kumontra sa pagbuwag nito.