MANILA, Philippines - Kinalampag kahapon ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Social Welfare and Development at mga local government units kaugnay sa pangangaroling ng mga bata sa kalsada kung saan nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.
Ayon kay Pimentel, dapat kumilos ang DSWD at mga LGUs para maprotektahan ang mga bata na napipilitang mangaroling dahil sa kahirapan ng buhay.
Sabi ni Pimentel ang buhay ng mga batang napipilitang mangaroling sa mga lansangan ay kasing halaga rin ng buhay ng iba pang mamamayan.
“Their lives are just as precious and important as ours,” pahayag ni Pimentel.
Panahon na aniya na magpakalat ng field teams ang DSWD at lokal na pamahalaan para matulungan ang mga batang lansangan ngayong darating na Kapaskuhan.