^

Bansa

DSWD kinalampag sa pangangaroling ng mga bata sa kalsada

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinalampag kahapon ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Social Welfare and Development at mga local government units kaugnay sa pangangaroling ng mga bata sa kalsada kung saan nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.

Ayon kay Pimentel, dapat kumilos ang DSWD at mga LGUs para maprotektahan ang mga bata na napipilitang mangaroling dahil sa kahirapan ng buhay.

Sabi ni Pimentel ang buhay ng mga batang napipilitang mangaroling sa mga lansangan ay kasing halaga rin ng buhay ng iba pang mamamayan.

“Their lives are just as precious and important as ours,” pahayag ni Pimentel.

Panahon na aniya na magpakalat ng field teams ang DSWD at lokal na pamahalaan para matulu­ngan ang mga batang lansangan ngayong darating na Kapaskuhan.

vuukle comment

AYON

BATA

BUHAY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KAPASKUHAN

KINALAMPAG

PANAHON

PIMENTEL

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with