^

Bansa

DOTC kinastigo ng solon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinastigo ng isang mambabatas ang Department of Transportation and Communications (DOTC) dahil sa umano’y patuloy na pagkabinbin ng subasta para sa P8.2 billion Road Transportation Information Technology (IT) project na maglalagay ng bagong IT infrastructure at database systems para sa Land Transportation Office (LTO).

Sinabi ni Anakpawis Party-list Rep. Joel Maglungsod na ang palaging pagkabalam ng subasta ay pabor daw sa Stradcom, ang computerization contractor ng LTO, dahil mabibigyan ito ng ekstensyon na labis sa 10 taon na build-operate-own contract na matatapos sa February 2013.

Tutol si Maglungsod sa ekstensyon kaya hiningi din niya kay DOTC Secretary Joseph Abaya na imbestigahan ang posibleng sabwatan para patagalin ang subasta.

Kung palalawigin umano ang kontrata ng Stradcom patuloy itong makakakolekta ng P2 bilyon kada taon kaya nagbanta si Maglunsod na idudulog ang isang reklamong graft sa Ombudsman laban sa ilang senior officials ng bids and awards committee (BAC) ng DOTC dahil sa hindi maipaliwanag na delay sa bidding na ang papasan sa malabis na singil ng computer fees ay ang taong bayan.

ANAKPAWIS PARTY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOEL MAGLUNGSOD

KINASTIGO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAGLUNGSOD

MAGLUNSOD

ROAD TRANSPORTATION INFORMATION TECHNOLOGY

SECRETARY JOSEPH ABAYA

STRADCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with