^

Bansa

MPDPC Cup, lalarga ngayon sa SLLP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon isang pakarera ang inihandog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa pamunuan ng Manila Police District Press Corps na gaganaping ngayong araw na ito sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona,Cavite.

Ang pakarera ay isinabay ng PHILRACOM sa malaking event na Ambasador Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. Cup.

Sa tulong nina PHILRACOM Chairman Angel Castaño Jr., at Racing Director Comm. Jesus Cantos, ang MPDPC Cup ay inilunsad upang makapangalap ng pondo para sa mga proyekto ng samahan ng mga mamamahayag na nagko-cover sa lungsod ng Maynila.

Napapaloob sa mga programa ng MPDPC ang medical mission, feeding program at scholarship para sa mga miyembro ng mga mamamahayag na walang kakayahan na magkapagpaaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak.

Ito rin ang kauna-unahang samahan ng mga ma­mamahayag na nabigyan ng pakarera ni Castaño na isinabay pa sa Cojuangco Cup na itinuturing na mahalagang pangyayari sa kanyang panunungkulan bilang chairman ng komisyon.

Si Castaño na dating chairman ng Board of ste­ward sa panahon ng panunungkulan ni  Amb. Danding Cojuangco sa PHILRACOM na naging chairman ng komisyon.

 

AMBASADOR EDUARDO

CHAIRMAN ANGEL CASTA

COJUANGCO CUP

COJUANGCO JR. CUP

DANDING COJUANGCO

JESUS CANTOS

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

PHILIPPINE RACING COMMISSION

RACING DIRECTOR COMM

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with