^

Bansa

Win-win solution sa tobacco growers iginiit ni Honasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat tumugon ang nakabinbing tax bill sa Senado hindi lamang sa isyu ng kalusugan o universal health care ng mga Filipino kundi maging sa kapakanan ng mga mawawalan ng trabaho katulad ng mga lokal na magsasaka ng tobacco.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, hindi siya tutol sa mga benepisyong makukuha sa sin tax bill dahil sa huli ang talagang makikinabang dito ay ang mayorya ng mga mamamayan na hindi kayang magpagamot pero hindi rin naman aniya dapat isantabi na lamang ang mga maaapektuhan ng panukala.

Ipinaalala ni Honasan na pagkatapos ng tatlong taon ang mga mumurahing sigarilyo ay papatawan ng mahigit na isang libong porsiyentong tax increase.

Sabi pa ni Honasan na aminin man o hindi, ang bagong buwis ay papabor sa mga imported na sigarilyo samantalang unti-unti namang mamamatay ang mga local brands.

Dapat aniyang magkaroon ng “win-win” solution para magkaroon din ng tinatawag na ‘balancing interests’.

Muling nagpahayag ng pagkadismaya ang PhilTobacco Growers Association na kumakatawan sa mga magsasaka ng tobacco sa buong bansa, sa “unsympathetic response” ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda sa kanilang hinaing.

Nauna ng kinontra ni Lacierda ang “1,000%” figure ng magsasaka at sinabing kahit pa itaas ang presyo ng sigarilyo sa Pilipinas ay kabilang pa rin ito sa pinaka­mababang presyo sa rehiyon.

 

AYON

DAPAT

EDWIN LACIERDA

GREGORIO HONASAN

GROWERS ASSOCIATION

HONASAN

IPINAALALA

LACIERDA

NAUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with