MANILA, Philippines - Tatlo pang partylist ang inaprubahan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring lumahok sa 2013 elections.
Kabilang dito ang transport group na Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston); grupo ng mga manggagawa na Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrero, Inc. (Aasenso) at ang mga nagsusulong ng adbokasiya para sa mga nakatatanda o Aagapay sa Matatanda, Inc. (AMA).
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, naging mahigpit ang deliberasyon para sa naturang mga grupo bago tuluyang inaprubahan.
Sa ngayon nakabinbin pa rin ang aplikasyon ng ilang kontrobersyal na organisasyon, katulad ng mga inaakusahang malapit sa Pangulong Aquino.
Inaasahang matatapos ang screening para sa mga partylist ngayong Nobyembre.