5 rice traders pinakawalan ng Senado
MANILA, Philippines - Matapos humingi ng sorry at mangako na dadalo na sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food, pinakawalan na kahapon ng Senado ang limang rice traders na nasangkot sa rice smuggling sa Subic.
Ikinonsidera ng komite ang paghingi ng tawad ng lima na kusang sumuko sa Senado kamakalawa matapos ang ilang ulit na pang-iisnab sa hearing sa rice smuggling.
Nadetine sa Senado ang limang rice traders na sina Juanito David, Maximo Hernandez, Elpidio Mendoza, Emily Alabada at Crisanta Reyes. Naunang pinakawalan kagabi si Mendoza dahil may namatay itong kamag-anak.
Hindi nakasama sa pinakawalan si Magdangal Diego Maralit Bayani III na ilang linggo ng nakakulong sa basement ng Senado matapos ma-contempt.
Patuloy na tumatanggi si Bayani na ibigay ang pangalan ng mga investors sa kompanya nitong St. Andrews Field Grains and Cereal Trading.
Hinala ng mga senador, dummy lamang ang mga rice traders at mga kooperatiba ng mga magsasaka ng mga malalaking rice traders na ilegal na nakapagpapasok ng bigas sa bansa.
- Latest