^

Bansa

‘Nesquick’ sa bansa ligtas - FDA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ligtas inumin ang pro­duktong “Nesquick” ng Nestle Philippines at hindi ito ang ipinapa-recall na “Nesquik” ng Nestle USA na mayroong salmonella bacteria.

Nabatid kay FDA Director Kenneth Hartigan-Go na may advisory ang Philippines-FDA kung saan nakasaad na “ang Nesquick na gawa sa Pilipinas ay safe.” Magkaiba umano ang produktong pina­bawi sa Estados Unidos.

Ang “Nesquik” na pinapa-recall aniya ay karaniwang nakalagay sa lata na kaiba sa “Nesquick” na nakalagay sa plastic container at nabibili sa mga local supermarket. 

Una nang nagsagawa ng voluntary recall ang Nestle USA sa “Nesquik” Chocolate Powder dahil sa banta ng salmonella. Ang mga kontaminadong “Nesquik” ay ginawa noong Oktubre 29 at may expiration date na Oktubre 2014.

Una nang sinabi ng FDA na sakaling nakabili na ng naturang inumin ay mangyaring ibalik sa tindahan at humingi ng refund.

CHOCOLATE POWDER

DIRECTOR KENNETH HARTIGAN-GO

ESTADOS UNIDOS

LIGTAS

NESQUICK

NESQUIK

NESTLE PHILIPPINES

OKTUBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with