DPWH bina-blackmail sa tulay scam

MANILA, Philippines - Ginagamit umano ng isang contractor ang pa­ngalan daw ng isang senador sa pamba-”black­mail” sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para raw makakuha ng kontrata sa gobyerno.

Ayon sa isang impor­mante na tumanggi mu­nang magpabanggit ng pangalan, kung hindi umano pagbibigyan ang isang “Rick Ramos” sa kanyang hinihingi ay ibu­bunyag daw nito ang mga “anomalya” sa multi-bil­yong President’s Bridge Program (PBP).

Ginagamit umano ng suspect ang grupong “IfraWatch” sa mga social media sites sa Internet upang atakihin sina Pa­ngulong Noynoy Aquino, DPWH Sec. Rogelio Singson at Kasangga Rep. Teodorico Haresco, kaugnay ng PBP at iba pang proyekto ng departamento.

Pero pinuna naman ang tila pananahimik uma­no ng IfraWatch sa ginawang sus­pension ng DPWH sa tatlong dayuhang kon­traktor na nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na “nagtongpats” ng hanggang P10 bilyon sa mga kontratang naibigay sa kanila sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Kamakailan ay inire­komenda ni Singson sa Palasyo na suspindihin ang mga proyekto ng tat­long Bridge supplier, ang Waagner - Biro ng Austria, Centunion ng Espana at Cleveland Bridge ng UK, na dating kilala sa pangalang Balfour Beatty at Balfour Cleveland, dahil sa sobrang pagtaas ng kanilang mga kontrata bunga ng “cost overrun.”

Sa tatlo, pinakagrabe umano ang Cleveland na umabot sa 96 porsiyento ang cost overrun sa mga proyektong naibigay dito.

Tahimik naman si Sen. Sergio Osmeña III sa isyu ng pagsuspinde sa Balfour Cleveland.

Magugunita na umani ng suporta sa kapwa mam­ babatas ang ginawang pagdedetalye ni Haresco sa anomalya ng cost overrun sa PBP, kung saan anim na kogresista ang naghain ng House Resoluton 2827 upang mabusisi ang eskandalo.

Ang aksyon ng Kongreso ay isa sa mga da­hilan kung bakit inire­komenda ni Singson kay Pangulong Aquino na sus­pendihin ang parti­sipasyon ng mga dayuhang contractor sa PBP.

Show comments