MANILA, Philippines - Umaabot na sa lima katao ang death toll kaugnay ng nararanasang malalakas na pag-ulan na nagdulot ng flashflood at landslide sanhi ng magkakasunod na low pressure area (LPA) at inter-tropical convergence zone (ITCZ).
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bagaman nalusaw na ang LPA ay patuloy pa rin ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao Region sanhi naman ng ITCZ.
Iniulat rin ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na walong barangay ang dumanas ng mga pagbaha sa bayan ng Imelda, Zamboanga Sibugay na nakaapekto sa may 250 pamilya.