MANILA, Philippines - Lumiliit na ang mundo ng limang high-profile fugitives matapos na pormal na ipatupad ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas ang pagbibigay ng P2-milyong reward para sa ikadarakip nina retired Gen. Jovito Palparan, Palawan Governor Joel Reyes at kapatid na si Coron Mayor Mario Reyes, Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr., at Globe Asiatique developer Delfin Lee.
Ang memorandum ay nilagdaan ni Roxas bilang parangal sa sinumang tao na makapagbibigay ng impormasyon na magiging daan para maaresto ang tinaguriang “Big 5” na pugante.
Si Palparan ay nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.
Ang Reyes brothers ay wanted dahil sa pagpatay sa Palawan-based environmentalist at broadcaster na si Gerardo “ Ka Gerry” Ortega.
Si Ecleo naman ay nagtago simula ng hatulan sa kasong parricide dahil sa pagpatay sa kanyang misis na si Alona Bacolod-Ecleo.
Habang si Lee ay may standing warrant of arrest dahil sa kasong syndicated estafa na may kinalaman sa Globe Asiatique’s Xevera housing projects sa Bacolor at Mabalacat Pampanga.