^

Bansa

Solar nag-celebrate ng 25th year anniversary

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagdiwang ng Solar Resources Inc. (SRI), mga empleyado at stakeholders ang 25th anniversary nito kamakailan sa Mondragon House sa Makati.

Ang SRI ay isa sa pinakaunang developer na pumasok sa socialized at economic segments ng housing sector sa bansa. Ilan sa maipagmamalaki nito ang kanilang mga proyekto tulad ng Las Palmas, Redwood Resi­dences, The Villas at Dasmariñas Highlands, West Governor Heights at West Beverly Hills na may pabahay na nagkakahalaga ng mula P400,000 hanggang P1.2M lamang.

Ang SRI ay patuloy sa paglulunsad at pagkompleto ng mga pabahay sa Cavite, Bulacan, Las Piñas at isang commercial complex sa Dasmariñas, Cavite.

Wika ni Raymond Alonso, COO ng SRI, sa kanyang keynote address na sa loob ng 25 taon, ang SRI ay nanatiling matapat sa pangako nito na makapaghandog sa higit na nakararaming Pilipino ng kanilang pangarap na tahanan na bagama’t napakaganda na ay easy-on-the-pocket pa. 

Pinasalamatan at bi­nati naman ni Mark Andrew Tieng, Managing Director ng SRI, ang kanyang mga kasama sa SRI dahil sa tagumpay na bunga ng kanilang pagsisikap habang hinamon din sila na magpatuloy na maging tapat sa pagbibigay ng kasiya-siyang serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Ang Solar Resources Inc. ay ang real estate arm ng Solar Group of Companies na kinabibilangan ng Solar Entertainment, Gourdo’s, Solar-United International Pictures, Lee Commercial at L. Meyer Pharma at marami pang iba.

 

vuukle comment

ANG SOLAR RESOURCES INC

CAVITE

DASMARI

LAS PALMAS

LAS PI

LEE COMMERCIAL

MANAGING DIRECTOR

MARK ANDREW TIENG

MEYER PHARMA

MONDRAGON HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with