^

Bansa

‘Takatak’ vendors kabado sa high sin tax

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga “takatak” vendors at mga may-ari ng sari-sari store sa ilalim ng Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART) na mamatay ang kanilang kabuhayan dahil sa umano’y patuloy na pang-eengganyo ng Department of Finance (DoF) kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate Ways and Means Committee, na ipatupad ang plano ng gobyerno na 40 hanggang 45 bilyong pisong buwis kada taon sa pamamagitan ng pagsasabatas ng panukalang Sin Tax sa mga produktong tabako at alkohol.

Iginiit ng maralitang manggagawa sa departamento na patawan na lamang ng buwis ang mga mayayaman at huwag ang maralita. 

Ang DOF umano ang nagdisenyo at nangumbinsi sa mga mambabatas na isabatas ang isang bagong buwis para punuan ang kakulangan sa badyet ng gobyerno.

Ayon kay Gie Relova, secretary-general ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region and Rizal chapter (BMPNCRR), mga kapitalista’t manganga­lakal lamang ang dapat patawan ng buwis ng gobyerno at hindi ang buong publiko dahil lohikal lamang na sila ang may kapasidad na magbayad ng buwis hindi tulad ng mga manggagawa’t magsasaka o mga ordinaryong mamimili.

Iminungkahi ni Relova na itaas na lamang ang corporate tax sa halip na itulak ang naturang sistema ng pagbubuwis na dudurog sa hanapbuhay at kabuhayan ng mahigit tatlong mil­yong produktibong Pilipino.

 

AYON

BUKLURAN

DEPARTMENT OF FINANCE

DRILON

GIE RELOVA

MANGGAGAWANG PILIPINO-NATIONAL CAPITAL REGION AND RIZAL

PEOPLES COALITION AGAINST REGRESSIVE TAXATION

SENATE WAYS AND MEANS COMMITTEE

SIN TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with