^

Bansa

Paggamit ng mga pulitiko sa mga CAFGU, sisiyasatin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasisiyasat ni Mun­tinlupa Rep.Rodolfo Biazon ang mga ulat na ginagamit ng mga lokal na pulitiko ang mga miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) bilang kanilang private armies o bodyguards.

Ayon kay Biazon, chair­man ng House Committee on National Defense and Security, bukod sa pagi­ging private armed group mayroon din umanong impormasyon na sangkot ang mga CAFGU  sa mga insidente ng pagpatay at iba pang illegal na gawain.

Naghain na ng House Resolution 2836 si  Biazon na humihiling na tukuyin kung naipatutupad ang orihinal na intensyon sa pagbuo ng CAFGUs sa ilalim ng Executive Order 264 at Republic Act 7077.

Aniya, dapat umanong linawin ang misyon, komposisyon, training, funding,control at superbis­yon ng mga CAFGU.

Sa ilalim ng RA 7077, trabaho ng mga CAFGU na panatilihin ang local peace and order, tugunan ang local insurgency threat at umalalay sa rescue at relief operations sa tuwing panahon ng kalamidad.

ANIYA

BIAZON

CITIZENS ARMED FORCE GEOGRAPHICAL UNIT

EXECUTIVE ORDER

HOUSE COMMITTEE

HOUSE RESOLUTION

NATIONAL DEFENSE AND SECURITY

REPUBLIC ACT

RODOLFO BIAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with