Safety ng varsity players puntirya ng bill ni Miriam

MANILA, Philippines - Hiniling ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na mag­karoon ng health and safety protection at scholarship ang mga varsity players sa sandaling magkaroon sila ng serious injury sa kanilang paglalaro.

“Institutions of higher education should provide their student athletes with the same due process protection afforded to students who do not participate in athletics,” paliwanag ni Santiago sa kanyang Senate Bill 3291.

Sa ilalim ng SB 3291, ang isang student athlete na nagkaroon ng seryosong injury na magiging dahilan upang hindi na siya makapaglaro muli bilang varsity player ay dapat patuloy na tumanggap ng kanyang scholarship hanggang sa makatapos ito sa kanyang kurso.

Show comments