Bangka lumubog: Mag-ama lunod

MANILA, Philippines - Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-ama matapos na lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Toytoy sa bayan ng Camaroran, Catanduanes noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Jose Ferrer, 45; at Jeric Ferrer, 2 , kapwa nakatira sa Barangay Dario.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame dakong alas- 7 ng gabi nang sumalpok ang bangka ng mag-mag-ama sa batong isla sa gitna ng dagat kaya nabutas ito.

Dahil dito ay pinasok ng tubig ang bangka hanggang sa tuluyang lumubog at nalunod ang mag-ama na pauwi na sana.

Nabatid na hindi ma­runong lumangoy si Jose kaya nabigong mai­ligtas ang kaniyang sarili at maging ang kaniyang anak na kasama nitong namangka.

Narekober naman ang bangkay ng mag-ama kasunod ng isinagawang search and rescue operation ng lokal na pamahalaan sa tulong ng mga mangingisda sa nasabing lugar.

 

Show comments