NCACT nagbabala vs ilegal trade ng tobacco
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Canada-based group na National Coalition Against Contraband Tobacco (NCACT) sa Senado na ang pagpapataw ng napakataas na tax sa sigarilyo ay magdudulot lamang ng talamak na smuggling na posibleng magresulta sa “youth smoking” na pagkawala ng malaking kita ng gobyerno.
Isang sulat ang ipinaraing ng NCACT, isang grupong lumalaban sa “illicit tobacco trade” sa Canada kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos upang magbigay ng babala sa mga problemang puwedeng idulot ng mataas na buwis sa sigarilyo.
Ipinarating ng grupo na pinamumunuan ni Gary Grant kay Marcos ang naging karanasan ng Canada sa talamak na smuggling ng sigarilyo na idinulot ng mataas na buwis.
Si Marcos kasama ang lima pang senador ay nagtungo kamakailan sa Canada sa isang official visit para dumalo sa ika-127th Inter-Parliamentary Union (IPU) Conference mula Oktubre 21 hanggang 26 sa Quebec City, Canada.
Sinabi pa ni Grant na base sa independent estimates nila ay aabot sa $2.1 bilyong buwis ang nawawala sa Canada taun-taon dahil sa smuggling ng sigarilyo.
Si Marcos ay mula sa Ilocos tobacco-producing region ay isa sa mga kontra sa mataas na buwis sa sigarilyo na aniya’y maaring magresulta sa kawalan ng hanapbuhay ng mga tobacco growers sa bansa.
- Latest