PNP at NYPD nagkaisa vs transnational crimes
MANILA, Philippines - Nagkaisa ang Philippine National Police (PNP) at ang New York Police District (NYPD) ng Estados Unidos matapos na lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagpapalakas ng kampanya kontra transnational crime.
Ang MOU ay nilagdaan nina PNP Chief Director General Nicanor Bartolome at ng NYPD na kinatawan ni Lieutenant Gustavo Rodriguez, nakatalaga sa sangay ng NYPD sa Singapore sa ginanap na seremonya sa Camp Crame kamakalawa ng gabi.
“The MOU indicates the cooperation of our two police forces in preventing and combating transnational crimes with emphasis on illegal drugs, terrorism, anti-smuggling, human trafficking, maritime fraud and cybercrime,”ani Bartolome.
Sinabi ni Bartolome, sa pamamagitan ng nilagdaang MOU ay higit pang mapalalakas ang paglaban ng magkaalyadong puwersa laban sa transnational crime.
Sa panig ni Rodriguez, sinabi nito na ang pakikiisa ng Pilipinas sa paglaban sa transnational crime ay isang magandang senyales ng pagpapatatag ng relasyon at pagtutulungan ng dalawang magkaalyadong puwersa.
“Mitigating transnational crime and combating terrorism is of utmost importance to the NYPD and we again proud to join forces with an agency that shares the same mission,” pahayag ni Rodriguez.
Alinsunod sa kasunduan ay magpapalitan ng impormasyon hinggil sa transnational crime ang PNP at NYPD. Nabatid na una ng lumagda sa MOA ang PNP sa Australian Federal Police sa paglaban kontra transnational crime.
Umaasa si Gen. Bartolome na magiging moderno na ang teknolohiya ng PNP para sa mabilis na pagpapalitan ng impormasyon sa paglaban sa transnational crime.
“Malimit kapag may exchange of information ay mayroon ding mga capacity building, meaning mga training”, ayon pa kay Bartolome.
- Latest