MANILA, Philippines - Mistulang ipinagtanggol ni Senate Minority Leader ang mga pulitikong inaakusahan ng political dynasty dahil hindi naman umano lahat ng pulitiko na may mga kamag-anak ding pulitiko ay corrupt.
Hinamon ni Cayetano ang mga advocates ng anti-political dynasty na tukuyin kung sino ang mga tiwaling pamilyang pulitiko na walang nagagawa sa bayan.
Hindi aniya makatarungan na lahatin lahat ang mga pamilyang pulitiko at ihanay sa mga corrupt at walang nagagawang mabuti sa bansa.
Naniniwala si Cayetano na hindi dapat nilalahat o generalized ang pag-aakusa dahil marami ring mga pamilyang pulitikal sa bansa ang naglilingkod ng tapat.
“Yun ang problema natin. Marami tayong anti-something at palagi tayong generalities pero ayaw nating tukuyin talaga….Why not have a clear understanding kung sinong dapat hindi? Sinong corrupt, walang ginagawa at inutil sa gobyerno, yun ang wag iboto. Kung sino man ang dapat, yun,” ani Cayetano.
Mas dapat aniyang tukuyin na lamang kung sino ang corrupt ng mga pulitiko at kung sino ang hindi kaysa ilihis ang isyu sa political dynasty.