MANILA, Philippines - Natumbok na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang nasa 5,536 magsasaka na mabibiyayaan ng lupain sa Hacienda Luisita batay sa naipalabas na masterlist ng mga qualified beneficiaries ng ahensiya sa ginawang pagsusuri sa nakalipas na ilang buwan.
Ayon kay DAR Secretary Virgilio delos Reyes, ang mga nabanggit na magsasaka ay maghahati-hati sa may 4,915.75 ektaryang lupain ng hacienda.
“These farmers were able to present documentary evidence of qualification, such as their Social Security System membership and important security papers, the likes of their parents’ marriage, birth and even death certificates, and go through a series of interviews,” pahayag ni delos Reyes.
Ang naturang lupain ay takda nang maipamahagi sa mga nabanggit bago sumapit ang May 2013.
Gayunman, nilinaw ni delos Reyes na dapat pagyamanin ng isang farmer beneficiary ang lupa.