TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nakahandang pumalaot sa mayoralty race ang magiting na retiradong heneral ng pulisya na si Atty. Jefferson Soriano laban sa batikang alkalde ng nasabing lungsod na si Mayor Delfin Ting.
Sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition, sinabi ni Soriano na nais niyang bigyan ng alternatibo ang mga kababayan sa Tuguegarao City sa dalawang dekadang pamumuno ni Ting at ang anak nitong si Rep. Randolph Ting.
Nahikayat naman ni Soriano na maging katuwang si Vice Mayor Danny Baccay na kanyang kababata at unang naging bise alkalde ni Ting noong 2010 elections.
Apat din na incumbent konsehal ang umanib sa grupo ng dating general na magpapalakas sa kanilang kandidatura sa 2013 midterm elections.