MANILA, Philippines - Sinabi ni Rep. JV Ejercito na aabot sa dalawang million domestic helper ang magkakaroon ng magandang benepisyo oras na naisabatas ang Kasambahay Bill.
Ayon kay Ejercito, inihain niya ang House Bill 6144 para masiguro na protektado sa batas ang mga kasambahay laban sa mga abusadong amo.
Sa ilalim ng dalawang version ng Mababa at Mataas na Kapulungan dapat sumahod ang mga kasambahay ng P3,000 sa Metro-Manila at P2,500 sa mga probinsiya.
Inaatasan sa ilalim ng Kasambahay Bill Employers na ikuha ng SSS, PhilHealth at iba pang benepisyo ang mga ito.
Kailangan din walong oras para magtrabaho at isang araw sa loob ng isang linggo na pahinga.
Sabi ni Ejercito, nag-file siya ng bill dahil sa daming reklamo na natatanggap niyang pang-aabuso tulad ng hindi pagpapasahod at physical abuse.