MANILA, Philippines - buhay ang OFWs at seafarers, dahil mayroon ng “Undas Online” na inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ang naturang portal ay nagbibigay ng gabay sa mga OFWs sa pamamagitan ng iba’t ibang dasal, novena at lumang Christian customs para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon kay CBCP Media Office director, Monsignor Pedro Quitorio, muli nilang binuhay ang Undas Online matapos umani ng positibong feedback mula sa mga Filipino netizens sa buong mundo.
Nilinaw naman ni Quitorio na ang site ay para lamang sa mga OFWs at seafarers na hindi makakauwi sa Undas at hindi para sa mga Pinoy na nasa Pilipinas lamang at hinihikayat pa ring personal na magtungo sa mga simbahan at mga sementeryo upang mabisita, maipagdasal at maipagtirik ng kandila ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Gamit ang bagong disenyo, ang site na www.undasonline.com ay nag-aalok ng mga podcasts at catechesis hinggil sa kahalagahan at liturgical meaning ng pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ani Quitorio, maaari ring mag-request para sa panalangin at banal na misa ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat sa pamamagitan ng naturang site para sa kanilang mga yumao.
Bisitahin ang website, i-click ang “Prayer Request” at isulat ang pangalan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nais nilang pag-alayan ng dasal at misa.
Ang mga naturang banal na misa ay ipagdiriwang sa CBCP Chapel simula ngayong araw (All Saints’ Day) hanggang sa Nobyembre 8.
Noong nakaraang taon, umabot sa higit 20,000 prayer request ang natanggap ng Undas Online.