^

Bansa

500K Pinoy, apektado ng bagyo sa US

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 50 milyong katao kabilang na ang tinatayang kalahating milyong Pinoy ang apektado sa super typhoon o hurricane Sandy na bumabayo  sa east coast  partikular sa New York, Washington DC at Philadelphia sa Estados Unidos.

Inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Embahada sa Washington at Konsulado Heneral sa New York na i-monitor ang kalagayan at tiyakin ang seguridad ng libu-libong Pinoy na  apektado sa mga nabanggit na lugar na sinasabing maraming pupulasyon.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, nakipag-ugnayan na kahapon ang Embahada at Konsulado sa mga Filipino community sa Washington, New York at iba pang lugar na dadaanan ng bagyo na sinasabing superstorm, Lunes ng gabi (oras sa Amerika).

Nanawagan na ang Embahada sa Washington at Consulate sa New York sa mga Pinoy na maghanda at manatili sa kani-kanilang bahay at umiwas na magbiyahe.

Nagdeklara na si US President Barack Obama ng state of emergency sa Massachusetts, New York, Maryland, Columbia District, Maine, Rhode Island, Connecticut, New Jersey, Pennsylvania, Delaware at Virginia.

 

COLUMBIA DISTRICT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

KONSULADO HENERAL

NEW JERSEY

NEW YORK

PINOY

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with