MANILA, Philippines - Ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos na payagan siyang makapunta sa Taiwan para sa isang business deal.
Sa ipinalabas na desisyon ng graft court, binigyang diin nito na ibasura ang hiling ni Abalos dahil hindi nito naidetalye ang itinerary sa nabanggit na biyahe.
Noong nakaraang linggo, hiniling ni Abalos sa kanyang mosyon sa Sandiganbayan na mapayagan itong magtungo ng Taiwan para kumuha ng mga fingerlings o similya ng mga isda para sa kanyang aqua-culture business.
Nakatakda sana ang biyahe sa buwan ng Nobyembre kung pahihintulutan ng hukuman. Si Abalos ay pansamantalang nakakalaya matapos payagan ng korte na makapag-piyansa sa kasong electoral sabotage.